-
Pogi Pose
Psst, pogi! Oo, ikaw nga. Lumingon ka lang sa paligid (o kung gusto mo, sa salamin), makikita mo na agad ang mga pogi at magagandang Pilipino. Iniaangat ng programang ito ang “pogi pose” at itinataguyod ito bilang simbolo ng pagiging matikas, masayahin, at maganda (oo, sa panloob at panlabas na anyo) ng mga Pilipino.
