PAST TESTIMONIALS
Ano ang maipagyayabang mo bilang isang Pilipino?

Andy Leuterio

"Maganda ang magazine ko at gawa sa 'Pinas. Action & Fitness magazine"

Ferdinand Medina

"Bigueño ako! Proud to be from a clean Vigan city"

Lino Cayetano

"Dahil ang pamilya at pananampalataya ay likas sa ating pagkatao"

Dondon Sibbaluca

"Usa ka pilipino, mapahambog nako una ang akong "bisaya" na inistoryahan, pampasaherong jip (bisan dauton og karaan) na akong ginasakyan, si Pacquiao, dagat sa Boracay, Palawan, Tawi Tawi og Mati (akong hometown) adobo og akong angga! AYOS !!

Uswag Pilipino!!!

Idrian Burgos

"Ipinagyayabang ko na ako'y Pilipino, na ako'y isinilang sa 7,107 na isla, na ako'y kulay-kayumanggi, na ang lahi ko ay lahi ng mga magagaling, lalakas, magaganda, matalino, matapang, walang inuurungan, malikhain at makikisig. Ipinagmamalaki ko na ako'y isinilang sa bansa ng mga bayani, na may ninuno akong isang bayani. Ipinagmamalaki ko na tayo ang nagtatag ng unang republika sa buong Asya.

Sa maikling salita, tayong mga Pilipino ang unang mga Asyanong natamo ng kalayaan mula sa mga mapaniil na mga banyaga.

AKO'Y PILIPINO AT IPINAGMAMALAKI KO ITO !

Jennifer Horn

Maipagyayabang ko ang pagkamalikhain ng mga Pilipino...tunay na mayaman ang ating bansa sa mga kahanga-hangang mga manunulat, mga pintor, mga manggagawa ng palayok, muwebles, damit, alahas, at iba pang mga produkto ng ating kakayahan sa sining.

Maipagyayabang ko din ang magagandang dalampasigan sa ating bansa. Hindi kinakailangan pumunta pa tayo sa Hawaii , Maldives o kung ano pang dalampasigan sa ibang bansa upang makatapak sa buhanging kasinglambot ng pulbos, o upang makalangoy sa mala-crystal na asul na tubig, o upang makasaksi ng mapayapang paglubog ng araw.

Maipagyayabang ko din ang Islander na maaring gamitin sa mga dalampasigang ito. Tayo'y isang bansa na nasanay na sa paggamit ng tsinelas, kung kaya't hindi na natin kailangan maghanap ng tsinelas mula sa ibang bansa. Hindi kinakailangan bumili ng tsinelas mula sa ibang bansa na may halagang 600 pesos o higit pa. Tangkilikin ang atin.

Maipagyayabang ko din ang mga likas na kayamanan ng ating bansa, tulad nga ng abaka at mahahalagang perlas. Ang Pilipinas ay siyang pinagmumulan ng ilan sa pinakamahahalagang perlas sa mundo. Kahit na mas mahal ang presyo ng mga diyamante kaysa dito, naniniwala akong mas kaakit-akit ang perlas. Simple lang ito. Hindi siya kumikinang na parang diyamante pero ang kislap nito ay mula sa kanyang kalooban. Tulad ng Pilipinas. Lahat tayo ay may kakayahan. Lahat tayo ay mahalaga. Kailangan lang natin maipakita ito sa gawa, at hindi lamang itanim sa isipan. Para sa kaunlaran ng Pilipinas. Ang Perlas ng Silanganan.

Jimelle Valencia

"Ipagyayabang ko ang ating World-class singers! Lea Salonga. Pilita Corales. Billy Crawford. Regine Velasquez. Martin Nievera. Lani Misalucha ... at marami pang iba ... at ang ating pagmamahal sa pagkanta sa mga videoke/karaoke ... walang katulad!!"

Jonathan Susvilla

Filipinos are innately creative. Rise Pinoy!

Jamie Aves

"Ang Pilipino ay nakukuhang tumawa kahit may problema.Ang Pilipino ay matatagpuan sa iba't ibang bahagi ng mundo kahit mas kaunti ang populasyon ng mga Pinoy kung ikukumpara sa mga Tsino at Amerikano.Galing sa puso ang kanyang pagkanta.Magaling siyang dumiskarte.Iba ang gandang Pinoy.Pinakamahaba ang kanyang pagdiriwang ng Pasko.Ang Pinoy ay marunong makisama."

Grace Flores

"Taas noo kahit kanino, Grace "The power behind us is greater than the task ahead."

John & Bennette Rana

"Ipinagyayabang namin ang ating likas na pagmamahal sa kulturang Pinoy! Ang mga tradisyon at ritwal ng isang modernong kasalang Pilipino ay patunay sa ating pagpapahalaga sa nakaraan at pagkilala sa mga kagawiang sariling atin!"

Delfin jr. Llagas

"Maipag-mamayabang ko na sa kabila ng mga pagsubok at "disadvantages" na kinakaharap ng mga Pilipino patuloy tayong lumalaban at nagtatagumpay anumang larangan ang ating pasukan."

Angelique Parungao

"maipagmamayabang ko ang katangian natin na sa oras ng kagipitan at problema, nakukuha pa rin nating ngumiti. ang mga pilipino ay isa sa mga tao sa mundo na may pinaka magandang ngiti at nakakapag bighani ng iba. iyan ang pinoy!!!"

Rex Bernardo

"Being resilient is one of the virtues the Filipinos can be truly proud of. Faced with adversities, we usually summon our guts, courage and charms" to overcome them. This I have proven during my several experiences while studying abroad. Even for a Filipino person with disability like me, the hardships and challenges were easily surmounted due to our natural charisma and good PR (pakikisama). Iyan ang galing ng pinoy!"

Maria Preciosa Miranda

"Kahit anong bagyo ang dumating ang pinoy nakangiti at nakatayo pa rin. handang humarap sa kahit anong problema. hindi sumusuko!"

Cris Joson

"Tayo ay sama-sama sa hirap at ginhawa"

Butch Maningat

"Puede maipagyabang na magalang tayo sa mga nakakatanda sa atin"

Shirley Mojado

"Ang pagiging isang totoong tao, ginagamit ang talino sa tamang pamamaraan, hindi nagpapakita ng kahinaan, tapat sa lahat ng bagay lalo na sa pagmamahal...umuunlad sa likas na katalinuhan at sipag."

Mel Floriselle Pamplona

"Tayong mga Pinoy, malilikhain, masisipag at matatalino... kaya isa tayo sa mga pinipili pagdating sa kahit na anong trabaho. Coz we know how to value and love work. Kahit saan, may Pinoy... kaya kahit saan, kilala ang Pinoy... kaya be PROUD!!! Yabang Pinoy!!!"

Daphne Morales

"Resilient" ang mga pinoy. Kahit anong pagsubok ang dumating, kaya nating bumangon at harapin ang bawat araw nang may pag-asa at ngiti sa labi."

Tals Diaz

"I love being Pinay because we're happy islanders that radiate sunny vibes and drink like fish!"

Tj Trinidad

"Im proud to be pinoy cause of our heritage and our fierce will to live as free people despite the many attempts of foreign nations."

Andres Tamayo

"Bilang isang Pinoy, maipagyayabang ko ang determinasyon at 'di sumusukong katangian ng ating lahi. Ilang beses na nga ba tayong nadapa at nalugmok sa mga problemang hinaharap ng ating bayan, nguni't heto pa rin tayo at patuloy na lumalaban at itinataguyod ang ating mga kababayan. Panahon na nga sigurong magkaisa tayong ipagmayabang ang mga magagandang katangian natin bilang isang bayan at ang ating mga magagawa para sa kinabukasan. Mabuhay ka Pinoy!"

Dionne Morales at Joven Larin

Ang ating pagiging masayahin kahit naghihirap. Ang ating kakayanang bumangon sa kabila ng mga trahedya. Ang ating abilidad na maging malikhain upang mapagkasya ang kung anumang mayroon tayo. Ang ating pagtingin sa kinabukasan na puno ng pag-asa.

Greta Kuenzle "Filipinos are genuinely nice, hospitable, and intelligent. we have so much potential!!!if only we have enough chutzpah to show the world who we really are!!!"

Noreen Lotuaco Isleta

"No one can deny FILIPINOS are very talented and skillful! We can excel in whatever field we get into. Besides the fact that we are the happiest and friendliest people on earth!"

Bianca Gonzales

" Proud to be Pinoy ako dahil IBA magmahal ang pinoy! we're passionate, romantic, sometimes crazy.. masarap tayo magamahal dahil hindi tayo kuripot sa pag- ibig!"

Pepoy Songco

"Filipinos are full of potential, movements like 'yabang pinoy' and those involved are the keys that unlock these potentials. Mabuhay ang balat kayumanggi!"

Teena Sarino

"Ang mga pilipino ay masayahin ... kahit nagkakagulo na ay nagagawang magsaya pa "

Pia Cayetano

"Ang maipagmamalaki ko bilang isang Pilipino ay ang pagpapahalaga at pagmamahal natin sa ating pamilya at ang ating panampalataya sa Diyos. Daladala natin ito, saan man tayo mapunta"

Edwin Retutal

Ang maipagmamayabang ko bilang Pilipino ay ang pagiging "hospitable". Dahil ang Pilipino kahit madaming gawain o problema ay Nakukuha nya parin mag asikaso ng kapwa.

Michael Alcantara

Ang maipagyayabang ko bilang isang Pilipino ay... Saan mo man dalhin talagang makikita mo ang pagiging matulungin, mapagmahal, maka diyos at higit sa lahat mahal niya ang bayang sinilangan.

Saul de Jesus

"Maipagyayabang ko na kahit saan pa tayo madala sa buhay natin, ang ating lahi ay patuloy na mabubuhay ng lubos! Mawala man ang lahat, patuloy na magpupuno ang diwang Pinoy!"

Rodel Laguisma

"Sipag, galing at dedikasyon, napatunayan na ng pinoy saan man sa mundo"

Ella Moulic

Maipagmamalaki ko na ako'y isang Pinoy na nanay...Filipino mothers are the best in the world...pinaka-maalaga, pinaka-pasensyoso, pinaka-maaalalahanin at pinaka-maabilidad! Pinaka sa lahat!

Miguel Azcuna

"Laging nag- aalok ng pagkain ang pinoy sa kapwa- tao kahit na alam nila na hindi nila ito tatanggapin"

Benjo Bernabe

"Not like other Filipinos who leave the country for work, to migrate to change their citizenship, etc. I will stick it out here and help my country. "You are not worthy of being called a Filipino when you abandon your country especially when your country needs you the most"

Jennifer Entierro

"Proud akong maging Pinoy dahil very flexible tayo. Kahit anong

situation, we never cease to lose our cool.

Proud akong maging Pinoy dahil malikhain tayo. Sa lahat ng ginagawa natin, we always give it our all. Di pwede satin ang cow-boy! Proud akong maging Pinoy dahil ang mga sobrang mahal tayo ng mga magulang natin na hanggang 18+ ok lang na tumira tayo sa kanila, at gastos parin nila lahat pati pagkain natin! Proud akong maging Pinoy dahil masaya ang pasko, bagong taon, happy birthdays.... Proud akong maging Pinoy dahil matatag ang kapit natin sa ating

relihiyon, united tayo sa mga krisis, at sobrang matulungin ang pinoy. Proud akong maging Pinoy dahil kahit na anong sabihin ng ibang bansa na 3rd world lamang tayo, di natin maipag-kakaila na world-class parin ang galing ng pinoy! Proud akong maging Pinoy dahil unique ang kultura natin. We're one of

the few countries na may "Pambansang Symbolo". At higit sa lahat, para sa mga Pinoy abroad, di natin nalilimutan ang

ating pamilya sa Pilipinas...

Ritza Ann Jovellanos

"Filipinos have so much to be proud of: talents & athletes excelling all around the globe, Pinoy innovations, People Power, virgin cocnut oil, balut .... and so much more! above all we have each other - in the face of tragedies, Filipinos will rise to the sitution and still with a smile! YAN ANG PINOY!"

Andro Lanceta

"Ang maging isang Pilipino ay isang bagay na maipagyayabang ko kahit kanino. Saan mang larangan. Kaya ng Pinoy umangat! Makilala!"

Bea Azcuna

"Ang maipagyayabang ko bilang isang Pilipino ang kakayanan natin bumangon pakatapos ng bawat paghihirap o trahedya naranasan natin dahil sa lakas ng ating pagdasal at paniniwala ng pagmamahal ng Diyos sa atin na di nakakaraos maski grabe na ang ating kalagayan. "

Mich Rodriguez - Del Rosario

"A number of people around the world still have a negative view of the Philippines , some don't know much about the country, thus negative thoughts and images are given. We also can't blame them because what is featured in the news is the violence and occasional conflict that occur from time to time in the Philippines . What is often not featured or talked about are the positive aspects or strengths of our country.

After believing through the years that the Philippines is a third-world country and one that is being left behind by its neighboring ASEAN countries, I have come to realize that we do not belong to the tail end of the list. I am currently living in another ASIAN country and never have I seen a more backward life. We Filipinos must realize and be thankful that we have one of, if not, the BEST ISLANDS IN THE WHOLE WORLD; have the latest, if not, the BEST MALLS in all of Asia; offer a wide range of local and imported products to service not only the locals but the foreigners as well; is CLEANER AND MORE ORGANIZED THAN OTHER PARTS OF THE WORLD; has very friendly a people, if not THE FRIENDLIEST ALL OVER THE WORLD; and the list can go on and on.

We can listen to what other people say about our country but we can only accept and understand, not dwell on these. We should also learn to open our eyes to the other countries around us to see where we stand. Whether we result to be up or down, we should realize that we are NOT the least developed ASIAN country there is, contrary to what some foreigners think. We should also continue to be proud of what we have and have attained through the years. GALING NG PINOY!"

Andrei Gonzales

"I'm proud to be from the land of the sobrang free, a place where we sell puto and chili and sometimes with meat that is amoy kili-kili. Pero seriously, I'M PROUD TO BE PINOY, to be from the islands, to be from a culture so rich, each town has their own tongue. I'm proud to come from a land of love, a land of God , a land of faith and hope. YABANG PINOY FOR LIFE!"

Cath Buelva

"Ang maipagyayabang ko bilang isang Pinoy ay ang pagiging positibo at masiyahin kahit my problema. maipagyayabang ko rin ang napakagandang kulay ng kina iingitan ng mga puti"

Jay Yap Perez

"Maipagyayabang ko ang ating kakyahang ngumiti sa gitna ng kahit anong problem"

Anel Lazatin

" Im proud to be Filipino because of my strong faith in God, my close family ties and my 'kayumangi' skin."

Perdie Manasan

"Maipagyayabang ko ang ating mga natural resources ! Ang ating natatanging pagmamahal sa kapwa, lalo na sa mga OFW "

Marvin Macalintal

"Every time we bring French artists, musicians, etc to collaborate with Filipinos, the French are always impressed. I'm PROUD TO BE PINOY !!!"

Summer Carullo

"Natural na mayabang kasi may ipagmamayabang."

Jay San Luis

"Ang kakayhan na bumangon at lampas an ang anu,ang pagsubok"

Syea Villanueva

" Ang kabayanihan ng bawa't isa ... para s ating pamilya"

George Co

"Pinoy and PROUD of it !!!"

Miguel Limon

"Yey PINOY !"

Ericson Bellosa

" Live ... Strong and Pinoy !"

Mitch Mauricio

"Malikhain at maabilidad, yan ang Pinoy !"

Pam Ayson

"San ka mang sulok ng mundo pumunta, paniguradong may Pilipinong nagsisikap at handing tumulong sa kapwa Pilipino. Ang Galeng !"

Aimee Marcos

"Tatlong bagay ang parati kong ipinagyayabang bilang

isang Filipino:

1) Ang abilidad natin na magmahal sa ating kapwa tao.

Ang dami-dami nating pag-uuri sa salitang "love".

Ibig, mahal, giliw, sinta....kaya tayo mahilig sa

lab song at kundiman!

2) Ang abilidad natin sa pagkanta, sayaw, sulat at sa

iba't iba pang uri ng sining.

3) At ang abilidad natin tumawa, sa hirap at sa sakit.

Matatag ang Pilipino -- sa tingin ko dahil sa pagtatawa."

Olivia Francisco

"I think about my life growing up Filipino in the Philippines and I wonder, what is there not be proud of being Filipino? Sure our people and the country have its share of short comings, but that's who we are, and I'm just proud because what I see around me is no less than perfect !"

 

Sonja Ocampo

"I'm proud to be Pinoy because no matter how hard times can be, we Pinoys know how to still find something to smile about and something to laugh about. We know how to enjoy our lives even during the worst of times"

Ani De Leon

Ipinagmamalaki kong Ako ay Pinoy - Mahusay, Matalino, at Marunong Makipagkapwa-tao. Tayong mga Pilipino ay Mayaman sa Kultura at Sining, Malalim ang Kasaysayan, at Matatag ang Pananampalataya. Higit sa lahat, saludo ako sa galing ng aking mga kapwa Pinay: mula sa Pangulo, Senado, Local Government, sari-saring Pangangalakal, Propesyon, at Industriya, hanggang sa pinakamaliit na pamamahay, mistulang sila ang nagpapatakbo ng ating bansa. Yabang Pinoy, Yabang Pinay!!!

Arland Macasieb

"Because Being Filipino is not about where you live, but about how you live - Isang Bayan, Isang Pamilya, Isang Puso!"

Mary Christine Culibao

"Kahit saan ka magpunta sa mundo matamis ang ngiti ng kababayan ko.maraming pinagdadaanan, ngunit handa pa rin tumulong ganyan ka Pinoy. Ang galing mo!" Pagdating sa pananampalataya. Talagang walang tatalo sa Pinoy"

Earl Dennis Bataclan

"Pinoy. angat sa iba. kakaiba. walang katulad. walang kapantay. yan ang yabang pinoy !"

Ana Alcala

"The Filipino's story is one of admirable resilience and of the ability to come out of adversity basked in the glory of triumph--or at least with a smile on his or her face."

Anne Cruz

"Maipagmamayabang ko sa buong mundo ang ganda at yaman ng Wikang Filipino."

Aaron David

Pinoy ako kasi... kumakain ako sa Jollibee sa halip na sa Mc donalds pamatid uhaw ko ang Pop Cola sa halip na Coke o Pepsi mas mura ang pizza sa Greenwhich kompara sa Shakeys at Pizza Hut PDA approved din ang Happee mas masarap ang kape sa Figaro at Mocha Blends iba rin and estilo ng Bench, Penshoppe, Human, Novecento, Whoops, F & H , atbp iba ang manok ni Max's sa banyagang si Kenny lumaki ako sa Tikitiki at hinde sa Gerber iba ang tawa kapag ang laro ay taguan, langit-lupa, bahayan-bahayan, tumbanpreso, atbp iba ang kwentuhan kapag San Miguel beer ang katabio kay sarap mamuhay sa bayan ang malaya at maligaya

Alexander Lacson

“I am proud as a Filipino because I know that I have in my blood and in my genes the same spirit of greatness that made the Filipino great some 40 years ago. Truly, in 1960s and many years before that, our Philippines was one of the bests in Asia . The Filipino stood tall and proud among the great peoples of the world. This only means that if we had been great before, we could be great again today or tomorrow. Or even greater. I am proud because I know we as a people can be great again.”

Ninna Mendoza

Napakasayang isipin na may mga taong katulad ninyo...natin na, sa kabila ng mga kaguluhan sa bansa ay nagsisikap palaganapin and tunay na diwa ng isang pagiging PINOY. Hinding hindi ko ipagpapalit ang aking pagiging Pinoy sa anumang bagay.

Taas noo, Pinoy Ako!

Noel Pebenito

"We as Filipinos have strong family values that I believe propel us to endure and have found success in what ever adventure and country we have given that chance.

But what ever success we have abroad makes it less sweet to know that the Philippines is not, at lease not today. We as Filipinos are so much in number , talent and wealth if only we could all work as one. Let us all give back and pay patronage that to this place.........our home land the Mother to us all.......Filipinos."

Taas noo, Pinoy Ako!

Aimee Aquino

"Maipagmamayabang ko bilang isang Pilipino ang ating pagiging matatag na kahit na humarap tayo sa maraming pagsubok at sa matinding alon sa buhay, patuloy tayong bumabangon at pinagsusumikapang maabot ang ating pinakahahangad."

Grace Flores

"There is nothing in the world like Filipino hospitality, Filipino food and Filipino laughter! Taas noo kahit kanino!!!"

Patrice Rafter

"Pinoys are very resilient. We always try to look at the brighter side of life. Kahit may problema naka-ngiti pa rin. Kapag nadapa, kayang bumangong taas noo. Ang Pinoy naniniwala "Habang may buhay, may pag-asa. Iyan ang tunay na pinoy!"

Babes Pagdanganan

"Our culture as a Filipino has given my family a valued impact. Growing up in USA has been difficult with regards to freedom of all kinds. My parents and grandparents instill the value and recognition "FILIPINO LIFE STYLE."I am proud to be one."

JM Diego

"Bilang isang Pilipino, pinagyayabang ko ang aating kultura kung saan magagamit natin ito lalong lalo na sa sining. Pangalawa ay ang ating tradisyon dahil kaakibat nito ang moralidad at prinsipyo."

Nico Policarpio

Sa gitna ng mga nangyayari sa ating bansa, nakukuha pa rin nating tumawa o maghanap ng ikaliligaya natin. Teleseryes, reality at variety shows, si Manny Pacquiao, kahit ang ating mga sarili, at madami pang iba ang mga halimbawa ng mga bagay na nagdudulot ng sa atin ng

kasiyahan. Kaya hindi natin makakaila na ang mga Pilipino ay isa sa mga pinaka-masisiyahin na tao sa mundo (Time, February 28, 2005 ). Sabi

nga ni Jollibee (na 100% Pinoy din), "BEE HAPPY!"ü

Gay Quililan

"I'm proud to be Pinoy because ... we value God and our family above all else. Our faith and strong family ties keep us resilient in the face of all adversity. If called for, we take all risks and sacrifice our own interests in order to create a better future for our families."

Maria Faberes

"Ganap ang pagiging malikhain at sukdulan ang galling sa pagluto at pg-"bonding"

Karen Kunawicz

"One of my jobs includes working on a comic book for young girls, MANGO JAM. The entire crew is all female, all Pinay. We're doing work wedo well and work that makes us happy. And even if we're competing against big-name international titles, we're proud of every issue that flies off the shelf!"

Ida Calumpang

"Working abroad as an OCW only made me realize even more to come home to the Philippines and make it a place where Filipinos will want to STAY and BE PROUD about."

Mala Jean Luga

" Ipinagyayabang ko na ako'y Pinoy dahil ang aming angkan ( LUGA CLAN ) ay anak ng isang Katipunerong / Sundalong nagtanggol ng ating kalayaan"

Rino Datuin

"Ang aking pagka-malikhain lalo na sa sining biswal, disenyo at exhibitions, na naipamamalas ko sa pamamagitan ng aking mga nagawa sa iba't ibang panig ng mundo, kasama ng iba pang mga malikhaing pilipino sa larangan ng disenyo."

Kooky Tauzon

"Ever-increasing passion to learn and make a difference!"

Pauline Oyco

"Isa sa maipagyayabang ko bilang isang Pilipino ay ang masasarap nating lutuin pati na rin ang 7,107 n islang magaganda na bumubuo s ating archipelago !"

Mary Grace Young

"We have one of the best coffees in the world"

Celine Quijano

"Talino, pakikipagkapwa-tao,family values, yamang kalikasan, pagkabayani ... Hindi ko na mabilang !"

Iona Santos

"Ang Pilipino ay kulay kayumanggi, kinaiinggitan ng mga puti !"

Marah Casiano

“Proud ako to be Pinoy dahil sa ugali nating mga Pilipino, mababait na tao. Marunong tayong tumulong sa kapwa natin Pilipino kahit saan mang sulok ng mundo tayo mapadpad. Mga kabataan like me madami pa tayong natututunan sa mga nakakatanda sa atin dahil we learn to hear lahat ng mga payo nila.

PINOY AKO...........DI KO KINAHIHIYA!!!!!!!!!! “

Constatine Agustine

"Dahi astig ang pinoy"

Stan Anson

"Filipinos ca survive anywhere"

Julie De Leon

“Ako, bilang isang Pilipino, ipinagmamalaki ko ang pagtangkilik ko sa ating wika ! Bagamat naimpluwensyahan na ako ng banyaga, buong puso kong minamahal ang ating wika! Yabang ako, Pilipino Ako !”

Juan Miguel Mendoza

“ The way we, as Filipinos, stress the value and the importance of family in our everyday lives. So much that some even sacrifice time and precious memories to go abroad and work their butts off in jobs many people would not want to do, just so they can secure their family a better future. Also, we have the BEST MANGIES in the world – barnone”

Eric Fulgencio

"Ang Pilipino ay hindi madaling matinag ng suliranin, matapang, masayahin, mapagmahal sa kapwa at lalo na sa magulang, kahit napakaraming suliranin ng Pilipinas ngayon, hindi ko ipagkakaila at lalong hindi ko ikahihiya na ako ay isang Pilipino, sa isip sa salita at sa gawa."

Ozzy Lorenzo

"Ang Pilipino ay maabilidad, masipag, matiyag at marami pang iba"

Rachel Rustia

"Ang katangi-tangi ugaling positibo at masayahing disposisyon!"

Rex Lucius

"Ang Pilipino ay masayahin kahit anong dagok ang dumating!"

Harvey Vasquez

"Ang sikat ng ngiti ng mga Pilipino"

Raffy Tesoro

"Maari nating maipagmalaki bilang Pinoy ang ating kultura, ang ating lakas ng loob at kakaibang diskarte"

Bea Ingua

"Ang maipagyayabang ko bilang isang Pilipino ay pagigiing tapat at maaasahan na kaibigan."

Jon de Ocampo

"Ipinagyayabang ko na kahit anong problema ay kaya nating mga Pilipino basta magtulungan lang tayo at magkaisa, subok na ito."

Jienmei Wu

"ChineseBlood at heart. Mula sa Tsina, Lumikas patungo dito ang aking lol't lola sa tuhod, upang maka- iwas sa giyera doon. Ako ay Filipino. Ikatlong henerasyon."

Ginny Macaoay

"Ang Pinoy ang pinaka- matiagang tao sa buong mundo. Maaring hirap sa mga bagay na naaabot ng mata. Ngunit sa sipag at tiyaga nakakamit ang minimithi at higit pa. Ang mga Pinoy din ay matalino, maparaan, kaya sa kanila walng problemang di' nalulutas. angat Pinoy!!!"

Carissa Cruz

" I am proud to promote the OTOP ( one town one product- www.otopphilippines.gov.ph) products and services of our country. Go Negosyo! Go Pinoy!

Deo Paulo Cajano

"Ang Pinoy ay all out magmahal sa kalikasan, sa kapwa, sa pamilya at sa bayan!"

Zoraya Lua

"Maganda ang bansang tinitirhan ko"

Serge Esguerra

"Maipagyayabang ko na bilang isang Pilipino, kahit sa dami ng kahirapan sa buhay, napipili pa rin natin na maging masaya at kasama natin sa pagsaya ang ating mga kaibigan at pinakmasarap na beer sa buaong mundo... San Miguel Beer, Itaas mo!"

Marge Defensor-Manalaysay

"Bilang isang Pilipino, ipinagyayabang ko na tayo ay "GLOBAL PINOY"...

Ang nagkakatanging Pilipinas: mayaman at makulay ang kasaysayan at kultura, hitik sa napakaraming indibidwal na may likas na telento sa agham at disenyo!

Galing ng Pilipino, Ganda ng Pilipinas!"

Kristine Roa

"I am proud of the fact that we Filipinos harbor this huge pride just by our nationality that we aren't afraid to claim that we are Filipinos. I've never known any Filipino to ever deny his or her nationality."

Catherine Chua

"Ang mga Pilipino ay matatag at masisipag. Kayang- kaya nilang ngumiti kahit madami na silang nadadaranas na hirap sa buhay. Ito ang ugaling Pilipino, ibang klase talaga ng galing!"

Dee Cerrado

"I could ride a jeepney instead of a taxicab and still end up in the same place. Pinoy is love! They are so creative and 'wais' kaya nag-excel sa lahat ng bagay. I'm proud to be a Filipino!"

Mina Seguerra

I'm proud of being a Filipino - of resilience and heroism being inherent in every citizen. BANGON and BAYANI: two Tagalog words that define, and are defined by the Pinoy way of life.

...of course the third word would have to be ADOBO - definitely Pinoy!

Twitchell Medina

"Ipinagmamalaki ko na ako ay Pilipino dahil ano mang problemang dumating sa ating buhay ay nakukuha pa rin nating ngumiti at magsaya. Pinatutunayan lang nito na matatag at hindi basta basta matitininag sa kinatatayuan tayong mga Pilipino. Ang pilipino rin ay likas na matulungin, mapag-ubaya, at hindi makasarili. Pinagyayabang ko ang kakayahan ng mga Pilipino. "

Norman Villamayor

"Sadyang malikhain, mapagkalinga at maabilidad ang mga Pilipino. At sa iba't-ibang larangan, patuloy nating ipinapakita sa buong mundo ang ating kagalingan -- patok sa pag-awit, wagi sa palakasan at in-demand sa mga professionals at skilled workers. Meron ba silang adobo?"

Maria Adele Lariosa

"maipagyayabang ko bilang isang pilipino ang ating mga kultura, likas na mga katangiang matapat, matapang, malikhain, may paninindigan at likas na matalino, madiskarte..."

Jack Santos

"Pinagyayabang ko na ako ay PILIPINO sapagkat kaya natin makisama sa iba't ibang klase ng tao. Kaya nating makipagsabayan sa mga dayuhan sa husay at galing. Ang "bayanihan" ay nadadala natin maging sa ibang bansa pagkat hindi tayo nag dadalawang isip na tumulong sa kapwa natin kahit na sa anong paraan. "

Pebbles Aromin

P-ositibo ang pananaw

I-ntensyon ma'y malalim o mababaw

N-akatatarok lagi san man mapunta

O-bra ni Juan dela Cruz

Y-an ang bida!!!!

Pinoy ako...

Sherwin Castillo

"World Class Artist"

Regent Andre Piedad

"Yabang Lasallista ! Yabang Pinoy ! Maipagyayabang ko ang kakayahan ng kabataang Pinoy na ipahayag ang saloobin lalo na sa panahon ng krisis sa lipunan at ipagbunyi ang kulay ng ting kultura sa araw araw na pagsayaw sa natatanging himig nito, Tunay na iba sa buong mundo"

Rachelle Holandez

"Malikhain, matatag, may angking spiritwal na pinagiingatan , may sense of humor"

Micah Robles

"Filipinos can find it within themselves to laugh - despite everything"

Ethel Francisco

"Ipinagmamalaki ko ang unti-unting pagtalikod ng simplemng mamamayan sa mapanirang pulitika tungo sa tunoy na pagkilos ng bayan sa pamamagitan ng boluntirismo, sining at sama-samang pag-asa. Pagpalain nawa ito ng Maykapal. Mabuhay ang Pilipino !"

Tricia Quarijero

"Maipagyayabang ko ang mga doctors in the barrio, mga public school teachers at pulis, mga military na nakikipaglaban kahit walang bota"

Marc Mondelo

"Ang maipagyayabang ko ang isang PILIPINO ay ang pagiging matatatg ng mga PILIPINO sa panahon ng problema nandiyan tayo para sa isa't -isa . Sino bang tutulong kung hindo tayo lang"

   

www.yabangpinoy.com © All Rights Reserved 2007